bakit ka umiyak?
Wag ka mag-alala kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon alam kong malalampasan mo yan.
Baka nakakalumutan mo na fighter ka sabi mo sakin yun.
Hindi yung bagay na iniisip mo ang makakapagpahinto sa iyong mamuhay ng normal.
Lagi mong tatandaan ito, napaka-special mo!
Habang humihinga pa tayo, may magagawa pa tayong dalawa.
Kung ano man ang plano mo mawala man lahat ng nasa paligid mo, pero alam kong malabong mangyari yun. meron at meron ka pa rin makakasama sa paglaban.
Wag kang sususko.... hindi pa huli ang lahat....
Kalimutan mo ang nakaraan, mamuhay ka sa NGAYON at BUKAS.. ang NOON ay bahagi mo na lamang yon. o isang paalala na lang.
Mahal kita alam mong madami kaming nagmamahal sayo. umayos ka! hehe. :) smile ka na.. baka tumulo pa luha ko ginagawa ko sayo ee..

No comments:
Post a Comment